Sa kalagitnaan ng bagyo, natatagpuan natin ang bagong pag-asa na dala ng panahon ng pagiging bukás-palad — isang Paskong dama ng karaniwang mamamayan, ng mga kapos-palad, at ng mga patuloy na bumabangon mula sa pinsala ng sakuna.
Inihahandog ng The Angelite ang Puto Bumbong 2025, ang espesyal na isyung naglalayong manalamin sa kalagayan ng mga estudyante at iba pang mga Pilipinong patuloy na lumalaban, sa gitna ng mga pagsubok ng buhay. Nawa’y ang bawat kuwento, dibuho, at mga larawan ay magdala ng panandaliang pahinga at saya sa puso ng mambabasa.
Sa kabila ng sunod-sunod na unos, sa gitna ng pagod at panghihina, hinihikayat tayo ng isyung ito na muling hanapin ang tunay na diwa at liwanag ng Pasko—sa yakap ng pamilya, sa piling ng mga minamahal, at sa mga sandaling nagbibigay saysay sa ating patuloy na paglalakbay.
Basahin ang Puto Bumbong 2025 dito:
Maligayang Pasko, Angelites!





