BGC nila’y brgy ng kinang, gate na yari sa ginto.
Isip ng mayayaman, street rat sila, walang luho.
Gulo sa plaza’y walang dungis o sugat,
Pero sa kanila, ‘yan ang buhay — sigaw ng hustler na bata,
Out of touch na mundo para sa rich at wannabes lamang.
Tahimik na gabi, pahina ng nobelang walang bakas.
Sila’y lumang silya, basurang pinatapon sa dilim.
BGC na paraiso sa barkong pribilehiyo —
Turista’s dream, Instagram gold, city of lights para sa hundred likes sa Tiktok,
High Street glow, Bonifacio Global na mundo ng mga nasa tuktok.
Mga makikinang na Ilaw na lisensya para sa foreigners at social climbers, “Rich kids” posing, coffee sa Harden and Holden, outfits na branded at “flashy,”
Habang ang mga “geng-geng” na kape sa kanto, luha ang “cream” na tumutulo.
Pamilya sa squat, paaralan sa hangin na ‘di natapos,
BGC dreams? Para sa’n, kung sila’y ‘di kasama sa linya?
Sa lugar ng mga mulat sa pribilehiyo, sila’y multo na walang mukha —
Ningning sa mata, ngunit kupas ang ngiti sa labi.
Batang nangangarap ng shirt na hindi second-hand,
Ng gabi na ‘di tapos sa sirang ilaw at gutom na tiyan.
Sa mataas na condo building ng pribilehiyado, ‘di kailanman maririnig ang kanilang sigaw ng pag-asa sa kinabukasan.
Hindi para sa lahat ang spot na ‘to —
Turista lang, para sa mga may tsikot, ‘yung may Visa card at “thick” na cash.
“Awit sa ‘yo sah, lala naman ang hood na ‘to!
Sama mo sir, crazy naman ang neighborhood na ito —
Hindi kami sinasama sa paglipad!” ang kanilang tanging sigaw.
Parang kidlat ang tugon ng pamahalaan sa daing ng mayayaman,
Guwardiya’t ilaw ay sumisigla sa utos ng salapi’t kapangyarihan.
Ngunit sa barangay ng mahihirap, sigaw ng gutom ay paulit-ulit na awit,
Walang kamay na humahawak, walang daan na binubuksan sa gabi.
Sira nga ba ang sistema ng bayan, o dahil ito sa mga tanod ng kapangyarihan na wala ang puso para sa bayan at mamamayan?
Kung sa munting bagay na ‘to’y problema na sa elitista’t mayaman,
Paano mapapadama ang ‘pag-unlad’ sa buong bayan na naghihirap?
Sana’y isama ang lahat sa alaala ng pag-asa’t pagbangon,
Hindi lamang sa nagta-taasang gusali, kundi sa bawat sulok ng lungsod na nangangarap.





