The ANGELITE
  • News
  • Sports
  • Opinion
  • Specials
  • Features
  • Literary
  • Entertainment
  • Archives
  • ABOUT
    • HISTORY
    • FINANCES
    • STAFF
    • JOIN THE A-TEAM
    • MAILBAG
Literary

Lason ang full face-to-face sa isang working student

by:


  • Jhustine Salazar

Published

September 23, 2026
(Dibuho ni Kyle Samson)

Logged By: 210XXXXX

Record Status: Surviving 


05:30 a.m.

Time in: Sa oras na pilit pa lang ginigising ng liwanag ang mga kabahayan, bitbit ang mga matang hindi sigurado kung tunay nga bang naipikit kagabi. Gising na ang katawan ngunit tulog pa ang diwa. Pilit na iniinuman ng kape ang wala pa sa apat na oras na tulog. Makakapag-review kaya ako sa office ngayon? 

08:00 a.m. 

First exam: Nakatungtong na sa klase. Nagsimula ang isang oras na exam sa unang subject — lumilipad ang utak sa ibang ibayo. Hawak ang ballpen habang pilit na inaalala ang lahat ng kapirasong inaral sa bahay, sa jeep, sa paglalakad — sa’n ko man naisingit ang reviewer — bago pa man ito kainin ng hangin. Simula pa lang ng araw, ramdam na ang pagmamakaawa ng mga kamay at utak.

09:30 a.m. 

Pass sa pahinga: Ito na sana ang sandaling nagbibigay ng kakarampot na awa sa sarili. Makapagpapahinga sana pagkatapos ng exam at makapag-aaral para sa mga susunod pa ngayong araw. Ngunit, tila ipinagkait na maging ang karapatang mapirmi. Sa halip na pahinga, panibagong gulo ng isip at ngalay ng katawan ang pumalit, sapagkat ang kakarampot na oras para huminga ay napalitan na naman ng duty na kailangang pasukan. Bawal bang huminto sa mundo ko? 

11:00 p.m. 

Work in process: Sa mga silid-aralan na napasukan, isa ka sa mga pinaglilingkuran; subalit sa oras na makapasok ka na sa opisina, ikaw naman ang maglilingkod. Taga-record ng mga papeles, taga-ayos ng mga schedule, taga-dala ng mga bagong libro na gagamitin, taga-subaybay sa kapwa estudyante. Anong kapalit nito? Ang pagiging isa sa mga benepisyaryo ng libreng tuition, na kung susumahin, tila nabayaran mo rin gamit ang sariling kaluluwa at natitirang lakas. 

02:30 p.m.

Acads and duty collision: Kaharap ang mga computer sa opisina, nakapatong sa isang tabi ang mga aralin para sa susunod na pagsusulit. Nakikipagbuno sa dalawang responsibilidad sa iisang mesa. Dito, ang oras ay tila nakikipag-agawan, bawat bakanteng minuto ay hindi pahinga, kung hindi isang mabilis ang paghahabol sa mga aralin na hindi agad maasikaso. 

04:00 p.m. 

Pantay-pantay raw lahat?: Pero sa tuwing nakikita kong galing sa café ang lahat ng kaklase ko, nakapag-review, naaral lahat ng coverage ng exam, habang ako, kagagaling pa lamang sa duty at naaral lang ay kung ilang estudyante na ang napahiraman at nakapagbalik ng libro, napapatanong ako: pantay-pantay nga ba? Kung tunay ngang patas ang mundo, kailan kaya nito balak bayaran ako sa lahat ng paghihirap at pagod ko? 

09:00 p.m. 

Over time: Kalalabas lang sa paaralan, kakababa lang kanina mula sa trabaho. Tumatawag na ang kama sa kwarto para ipahinga ang likod at balikat sa pagod. Ngunit narito at patuloy na naglalakad sa dilim ng gabi, mamaya’y nakaharap sa maliit na mesa, pilit na iniintindi ang mga aralin na hindi matapos-tapos kung basahin. Hindi na alam kung ano ang mauuna — ang reviewer na isasaulo o ang mga luha na gusto nang kumawala at tumulo. 


Observed Losses: 

Tulog at Resistensya

Pera para sa pamasahe at meryenda

Missing Activities

Final Status: 

Hindi pa rito natatapos ang araw para maging mag-aaral at tagapaglingkod. 

Pagpalain nawa ang mga mata at balikat na pilit pumapasan nang dalawang magkaibang mundo. 

Unawain nawa ang pagod, sakripisyo, at pangarap na mas matimbang pa sa anumang tindi ng pagod. 

End Record Status: 

Bukas uli. Hangga’t may pag-asa pang natitira.

Share this:

  • Share on X (Opens in new window) X
  • Share on Facebook (Opens in new window) Facebook

Like this:

Like Loading…

OTHER STORIES

  • CSC-SBA to HAUSG High Court: No due process on suspension ruling
    News

    CSC-SBA to HAUSG High Court: No due process on suspension ruling

    November 10, 2026
  • Hindi pa patay si Ate Gay
    Literary

    Hindi pa patay si Ate Gay

    November 7, 2026
  • Purifying Genocide: The Diplomatic Shield Behind Israel’s Atrocities
    Features

    Purifying Genocide: The Diplomatic Shield Behind Israel’s Atrocities

    November 6, 2026
  • HAU-USC bares first sem finances, renews anti-TOFI initiatives on second press con
    News

    HAU-USC bares first sem finances, renews anti-TOFI initiatives on second press con

    November 4, 2026
The ANGELITE

The ANGELITE is the 88-year-old student publication of
Holy Angel University • serving the people since 1937.

  • News
  • Sports
  • Opinion
  • Specials
  • Features
  • Literary
  • Entertainment
  • Archives
  • ABOUT
    • HISTORY
    • FINANCES
    • STAFF
    • JOIN THE A-TEAM
    • MAILBAG
  • Facebook
  • Instagram
  • TikTok
  • YouTube
  • Mail

© 2024. The ANGELITE. All Rights Reserved

BF Peter G. Nepomuceno Building, Holy Angel University
Sto. Rosario, Angeles City, Philippines, 2009

%d