Isa sa mga naging obserbasyon para sa nagdaang taong-panuruan ang estado ng mga pasilidad sa HAU — nailalarawan ng mga silid-aralang mayroong sirang mga kagamitan, at maging mga palikurang nasa hindi maayos na kalagayan.
Sa napipintong pagsisimula ng isa na namang bagong taon ng pag-aaral, ating alamin kung handa na ba ang pamantasan at ang mga pasilidad nito upang bigyan ng dekalidad at komportableng edukasyon ang mga Angelites dito sa The Angelite Special Reports.




