The ANGELITE
  • News
  • Sports
  • Opinion
  • Specials
  • Features
  • Literary
  • Entertainment
  • Archives
  • ABOUT
    • HISTORY
    • FINANCES
    • STAFF
    • JOIN THE A-TEAM
    • MAILBAG
Literary

Rosaryo ang sandata ng mga uhaw sa scholarship

by:


  • Andrei Railey Gonzales

Published

November 22, 2026
(Animasyon ni Klarence Marbebe)

Sa ngalan ng siyam na asul na agila, ng mama-mama, at buhay
na burapika, Amen.

  1. Naka-wired earphone at dinaramdam ang awit ni Adéla —
    O, santo ng kagipitan, ako’y layuan: upuan sa napupuno na jeep,
    kakarerahin habang hawak ang requirements na hindi puwedeng
    kailanman madungisan.
  2. Sa kadalasang inis dulot ng upuang kay
    hirap pagtiisan ng isang pisngi ng puwet — O, Inang mahal, nawa’y
    pagbigyan ng dalawang daan: pangbayad ng Maxim;
  3. Magtitila anghel upang mapaikli kahit papaano ang
    dalawang oras na biyaheng jeep na
    katumbas ng pag-apak sa Jumbo Jenra sa Dolores, SM sa Telabastagan,
    hanggang makarating sa sari-saring tindahang
    bukas sa kagabihan at kagipitan ng Entierro.
  4. Sa pagkakataong maririnig mo na naman sa balita ang pagbabadya
    ng TOFI na tumaas sa susunod na taon, sasambahin ang ngalan mo.
  5. Inang mahal na magkanda-kuba na sa kayod para lang kalabanin ang
    hirap ng buhay, ipanalangin mo kami.
  6. Sa katahimikan ng Sabado de Gloria, lalakbayin ang oras
    upang bulabugin ang opisina ng politiko sa
    daang puno ng anahaw na umiindak sa imbay ng nepotismo.
  7. Mula sa dalangin ng kasakimang nag-anyong tao: “Print mo, soft copy, hard
    copy, black ink ang pirma, bawal ang blue — ulitin mo at ipasa sa susunod na
    nakatalagang schedule ng pagpasa.”
  8. Sa ngalan mo, isasaalang-alang at
    pagtatakpan ang disenteng itsura upang baka sakaling kaawaan.
  9. Aabot pa kaya sa puntong mauubos ang pondong nakalaan
    sa pang-araw-araw na gastusin upang makamit ang isinasamong
    tulong pinansyal?
  10. Awit-awit ang Ave Maria, sa
    bahay at sa kalaliman ng kaisipan, nakatingala sa kisameng napupuno ng disenyo
    mula sa bawat tapal ng iba’t ibang kulay ng yerong pinaglumaan;
  11. nakabukas ang Canvas to-do list sa PC na pinaglumaan,
    na kulang na lang ay sumalangit na ang LCD.
  12. Ipagdasal mo kami, upang magkaroon ng paraan at mabawasan
    ang hinahagkan na bigat na dala ng aking pang-matrikula
    sa paaralan ng mga anghel.

Share this:

  • Share on X (Opens in new window) X
  • Share on Facebook (Opens in new window) Facebook

Like this:

Like Loading…

Leave a Reply Cancel reply

OTHER STORIES

  • HAU drops UCPL Season 3 b-ball opener to BATSU, 64–80
    Sports

    HAU drops UCPL Season 3 b-ball opener to BATSU, 64–80

    November 27, 2026
  • EJK victims’ counsel welcomes SC rejection of Duterte habeas corpus petitions
    News

    EJK victims’ counsel welcomes SC rejection of Duterte habeas corpus petitions

    November 26, 2026
  • Rosaryo ang sandata ng mga uhaw sa scholarship
    (Animasyon ni Klarence Marbebe)
    Literary

    Rosaryo ang sandata ng mga uhaw sa scholarship

    November 22, 2026
  • Ing Kalmang Timbunan: Kinwang Kebaitan
    Literary

    Ing Kalmang Timbunan: Kinwang Kebaitan

    November 18, 2026
The ANGELITE

The ANGELITE is the 88-year-old student publication of
Holy Angel University • serving the people since 1937.

  • News
  • Sports
  • Opinion
  • Specials
  • Features
  • Literary
  • Entertainment
  • Archives
  • ABOUT
    • HISTORY
    • FINANCES
    • STAFF
    • JOIN THE A-TEAM
    • MAILBAG
  • Facebook
  • Instagram
  • TikTok
  • YouTube
  • Mail

© 2024. The ANGELITE. All Rights Reserved

BF Peter G. Nepomuceno Building, Holy Angel University
Sto. Rosario, Angeles City, Philippines, 2009

%d