Pintuan ng Lagim
Bukas ang pinto
Sumilip ang anino
Dala’y panganib
Sala ng Katahimikan
Sala’y payapa
Nang sigaw ay sumabog
Dugo’y dumanak
Silid ng Kadiliman
Sa isang sulok
Dugo’t dangal ni Maria
Ay inilibing
Hagdan ng Panaghoy
Hagdang madilim
Bawat hakbang ay tanaw
Luha’t sugatan
Bintana ng Panalangin
Sa durungawan
Pilit na sumisilip
Dasal ang gabay
Balkonahe ng Pag-asa
Gabi’y napuksa
Bumati ang liwanag
Dayo’y lumisan





