Sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, nawa’y hindi rin magtapos ang ating pag-alala at pagbibigay-pugay sa bawat kuwentong bumubuo sa komunidad ng LGBTQIA+ — mula sa pulang pag-aalab ng mga rebolusyong ipinaglalaban ang kalayaan, hanggang sa lilang pasang iniwan ng sistemang nasanay sa pananakit at pang-aapi.
Kaya naman, inihahandog ng The Angelite ang “Sa Magkabilang Dulo ng Bahaghari,” isang magasing naglalaman ng mga kuwento at dibuhong sumasalamin sa noon at ngayon ng pagtindig at pakikibaka tungo sa isang lipunang kumikilala at nagpapahalaga sa pag-ibig na mapagpalaya.
Basahin ang magasin dito:





