Ang ating lipunan ay nakapasan sa mga balikat na walang humpay ang kayod, kahit pa ang sistemang kanilang ginagalawan ay hindi kailanman idinisenyo para sa kanilang ginhawa.
Tampok sa magasin ang mga lathalain, larawan, at akdang pampanitikan na hindi lamang nagkukuwento — kung hindi naninindigan. Mula sa mga mandudukit ng Guagua hanggang sa pagsubok ng mga estudyanteng komyuter, binubuksan ng edisyong ito ang mga mga kuwentong nagpapaalala na ang lipunan ay hindi lang basta tumatayo.
Ito ay binubuhat.
Basahin ang magasin dito:




