ito ang python program ng isang estudyanteng binigay ang lahat pero walang binunga kundi kapaguran
puno siya ng errors
huwag niyo nang pilitin gumana
mas masasaktan lang siya at mas mahihirapan ka lang sa kaniya
print(“=+=+=+=+= AKO ANG KATAPUSAN KO =+=+=+=+=”)
def main():
ayoko_na()
ayoko_na()
ayoko_na()
def ayoko_na():
reklamo = “““
O HAU, bakit kay lupit mo?
Nang dahil sa’yo, nalaman ko ang lasa ng utak kong piritong-pirito.
Alam kong magaling ako, alam kong kinakaya ko —
pero ito ang unang pagkakataon na nadama kong wala na akong kwenta.
Alam mo ba?
Mahirap gumuhit kung pandak na ang lapis.
Hindi rin posible na makakain ako sa platong mumo ang ulam.
Parang ako ang mga bagong kanta ni Taylor Swift.
Hindi na gumagana.
Wala nang maibubuga.
Wala na akong maibibigay.
Dahil mahirap tumubo muli ang putol na tuod ng puno.
Kahit dahon, ilang taon ang kakailanganin.
Kahit lokohin mo pa akong sapat na, alam kong mali ka.
Gusto kong matulog hanggang tumubo ang dahon sa tuod.
Hindi sapat ang dalawang linggo.
”””
print(reklamo)
prelims()
midterms()
finals()
def prelims():
(=+=+=+=+= Prelims =+=+=+=+=)
motivation = 100
drive = 100
do_my_best = True
sa_una = “““
Heto na ako sa first day ng college!
New year, new me.
Ready na ang lahat. Planado ko na ang araw ko.
Handa na akong ibigay ang best ko. Ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya.
”Ang effort mo naman.”
Dahil sino nga ba ako kung hindi ko ibibigay ang buong sarili ko, ‘di ba?
…
Woohoo!
Scores ko matataas!
Projects ko magaganda!
Ang saya matuto ng bago!
Sana hindi matapos agad sem na ‘to.
”””
print(sa_una)
def midterms():
(=+=+=+=+= Midterms=+=+=+=+=)
motivation = 50
drive = 50
do_my_best = False
sa_gitna = “““
Wala na namang pasok.
Binabaha na naman ang mga daan.
Nababasa ulit ang mga gamit.
Wala na namang pasok.
Niloloko pa nila akong pahinga raw.
Totoo naman, kaso bakit mas dumami ang kinakailangan kong gawin?
Ang dami. Pero wala naman nagtuturo.
Ang dami. Pero wala akong natutunan.
Iba na ang pagod ko ngayon.
Nausog na naman raw ang midterm exam.
Nakalimutan ko na naman ang ni-review ko.
‘Wag na lang.
Basta matapos na lang ‘to.
”””
print(sa_gitna)
def finals():
(=+=+=+=+= Finals=+=+=+=+=)
motivation = 0
drive = 0
do_my_best = None
sa_huli = “““
Full face-to-face daw.
Na-extend pa ang finals period.
Dumami na naman ang kailangang gawin.
Online assessments, online projects; may f2f assignments at report pa.
Dumoble pa nga.
Araw-araw pumapasok. Pero araw-araw rin nawawalan ng gana.
Tumigil na ang utak kong mag-isip.
Nawalan na ng gana ang puso kong magpatuloy.
Binigay ko na rin naman ang lahat ko noong prelims, ‘di ba?
Sana sapat na ‘yon.
Magpapahinga na lang ako ngayong finals.
Pero hindi.
Naipasa ko man ang kailangang ipasa.
Tinapos ko man ang lahat kahit ‘di maganda.
Baka ako ang matapos kung pinilit ko pa.
Naubos pa rin ako.
”””
print(sa_huli)
If name == “main”:
main()




