Sa bawat pagkakataong inuuna ng Senado ang katapatan sa kaalyado kaysa sa katapatan sa Konstitusyon at sa taumbayan, mas lalong lumilinaw ang kanilang kinatatakutan: ang mabasag ang ilusyon na “untouchable” ang mga nasa kapangyarihan.
Ang ideya na maaari silang masiyasat, mapatalsik, at mapanagot ay nagiging banta sa umiiral na sistemang matagal na nilang pinakikinabangan ngunit patuloy na nagpapahirap sa maraming Pilipino.
Kapag ito ang paulit-ulit na ipinapakita ng Senado, nagiging isang palabas na lamang ang demokrasya — hindi tunay, hindi ramdam.
Pero nasa Pilipino pa rin ang kapangyarihan, noon hanggang ngayon.
Panoorin ang buong editoryal dito.





