Sa nalalapit na pagtatapos ng buwan ng Hunyo, patuloy na iwinawagayway ang bahagharing bandera ng pakikibaka at pag-iral ng LGBTQIA+ community. Ngunit sa likod ng makukulay nitong guhit, nananatiling nakakubli ang puting liwanag — sumasagisag sa mga kuwentong matagal nang nananalaytay sa lipunan, ngunit patuloy na hindi napapansin.
Kaya’t inihahandog ng The Angelite ang “Puting Gulis Ning Pinanari,” isang magasin na naglalaman ng mga kuwento at dibuho na nagbibigay-tinig sa mga karanasang naisantabi ng midya. Isang lathalain na naglalayong ilapit sa mas nakararami ang mga salaysay ng pagkakakilanlan at pakikibaka — tungo sa isang lipunang hindi lamang handang kumilala, kundi tunay na yumayakap at nagpapahalaga sa pag-ibig na malaya at walang itinatakdang hangganan.
Basahin ang magasin dito:




